‘Hindi ko akalaing tatamaan ako agad’

Here is another first hand experience of a COVID-19 patient. This time, an OB-Gyne from St. Luke’s Medical Center – Dr Grace Caras-Torres.

Dr. Grace wrote this on her facebook account.

Ako si #PH194. Mabuti nang sakin nyo direktang malaman, kesa sa tsismis. Hindi ko akalaing tatamaan ako agad. Nagsisimula pa lang ang gyera nun, casualty na ako.

Akala ko chikungunya lang. High grade fevers na paulit- ulit. Kakaibang sakit ng ulo at katawan. Hindi makakain. Saka lang nag-sink in sakin na posibleng Covid nga ito nung malaman kong may symptoms din yung kasama kong mag-opera ilang araw nang nakalipas.

Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, ang iyak ko noon. Di bale nang ako, wag lang sila. Nagkulong na ako sa kwarto. Nag-birthday akong nakaquarantine at may sakit na nakamamatay.

Buti pala umabot pa ako ng 42. Wala akong choice kundi libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng soc med. Ang mga colleagues kong may covid ay naka-intubate. At 4 na nga silang namatay.

Akala ko pagaling na ako, bigla akong nagtae. Sabi sa Wuhan, pag nagkaroon ng GI symptoms, tuluy-tuloy nang pumapangit ang kundisyon. Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay. Masamang damo ako, di ba?

Kelangan pa ko ng anak ko. Sasabak pa ko sa gyera… Hindi lang pala virus ang kalaban ko, pati katinuan ng pag-iisip. Kaya kamustahin nyo mga kakilala nyong may sakit, mga naka-quarantine, at ang pamilya nila. Kelangan nila ng pagpapalakas ng loob.Sana matapos na ito.

Sana gumaling na kami. Sana wala nang mamatay. Miss na miss ko na ang anak ko. Ngunit salamat pa din sa lahat ng taong tumulong at nangamusta.

Too many to mention. Mahal ko kayo. At Dyos ko, maraming salamat po at buhay pa ako at ok ang pamilya ko.

Your thoughts on this? Leave your comments below!